Nagtapos na nga ang Game 1 ng NCAA Finals sa pagitan ng Letran Knights at Mapua Cardinals. Ngunit ang ibang players, iniinda pa rin marahil ang masasakit na pangyayaring naganap sa digmaang ito. Masakit dahil sa ganda ng iyong nilalaro, ito lamang pala ang makapagpapapigil sa iyo. #Saklolo #RhenzAbando #PUSOSports
Bago nga ang hindi inaasahang kaganapan, nakapagtala na ng labingtatlong puntos at pitong rebounds itong si Rhenz Abando. Marami pa sana siyang maaaring gawin sa laban na ito lalo na’t dikit lamang ang iskor ng magkabilang panig, ngunit pinili na rin marahil ng coaching staff na siya ay pagpahingahin na lang din.
Pagkatapos mong lumipad, hindi rin talaga palaging swabe ang paglapag. Nandoon pa rin ang tsansa na sa ibang paa ikaw ay makatapak – kailangan pa sigurong uminom nang marami pang gatas. Gayunpaman, di ba may kasabihan nga, kapag ikaw ay bumagsak, there’s no way to go but up. Bangon lang muli.
Banggit pa nga sa ulat ng courtside reporter, itong si Rhenz daw ay sa locker room ay nakahiga at umiiyak. Namimilipit marahil sa sakit ng injury at sa pag-iisip na wala siya sa loob ng court upang makapag-ambag.
Kung mayroon mang silver lining o magandang naidulot ang pagkawala ni Rhenz Abando noong Game 1, ito na marahil ang pag-step up ng kanyang ibang kakampi. Upang bigyan ng tulong ang kanilang koponan, tumugon sa tawag ng saklolo ang mga manlalarong sina Brent Paraiso at Fran Yu.
Muling naging sandigan ng Letran si Fran. Mapa-depensa o opensa, gamit na gamit ang kanyang utak upang makapagbigay ng bentahe sa kanyang koponan. May kapayatan ngunit nandoon ang magandang tikada at panggugulang sa kalaban. Malawak ang understanding sa laro ng basketball kaya madalas nakakagagawa ng mga tamang plays sa end game.
Ang kapwa UST transferee ni Rhenz Abando na si Brent Paraiso, ginawa ang kanyang pamiminsala sa larong ito. Siya muna raw ang mangunguna para sa mga kawal, kahalili ng kanilang fallen comrade. Nandoon siya sa mga crucial moments na kung saan naihatid nila ang mga final blows upang payukuin ang mga Cardinals.
Sa dulo, hindi pa rin ina-abandona ni Rhenz ang kanyang koponan. Sinikap at pinilit ni Abando marahil na makapanood ng mga huling segundo ng laro upang kahit papaano ay magkaroon ng dagdag na morale boost ang mga taga-Letran. Na para bang nagsasabing nandoon siya para sumuporta at palakpakan ang kanilang naging mahusay na pagpapakita.
Mabuti na lang din at matapos ang ilang pagsusuri at pag-sangguni sa kanilang team PT, na-rule out na ang pagkakaroon ng fracture o butong nabali. Malaking tulong din para sa recovery nitong si Rhenz Abando na mahaba-haba pa ang kanilang pahinga dahil sa paparating na linggo pa ang kanilang Game 2.
__________________________________________________________________________________
Manood ng live!
Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!
This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.
Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!
This article was gathered automatically by our news bot. We help YouTubers by driving traffic to them for free. The featured image in this article is the thumbnail of the embedded video. Thank you for visiting Win Big Sports Network and wbsnsports.com. For more sports, news, and entertainment, follow us on Twitter @WBSNsports or like our page on Facebook.
#Sports #Video #Highlights