Abando: AYOKO NA | Kailangan Mong Malaman Bago ang Game 2 | Di MAKAPANIWALA si Jeo | NCAA Season 97

Abando: AYOKO NA | Kailangan Mong Malaman Bago ang Game 2 | Di MAKAPANIWALA si Jeo | NCAA Season 97

NCAA B

Ilang tulog na lang ikalawang digmaan na ng mga taga-Intramuros. Matagal-tagal din ang naging pahinga at panahon upang makapaglatag ng matinding plano at strategy ang magkabilang koponan. Sa tingin ninyo, kanino higit na pumabor ang one-week break sa mga laro sa NCAA Finals? #AyokoNa #RhenzAbando #PUSOSports

Maraming nangyari sa mga araw na wala masyadong mga aktibidad at ganap dito sa collegiate league na ito. Naganap din pala ang PBA draft kasabay ng unang laban ng Mapua at Letran. At sa draft na iyon, mayroon nga ring mga manlalaro ang mga teams na ito na maswerteng ang pangalan ay natawag, samantalang mayroon din namang hindi pinalad.

Ganon talaga eh, tulad ng bola, ang kapalaran ng mga manlalaro ay bilog. Laking pasasalamat lang din siguro ng iba na napadpad sila sa team na ang professional network ay malawak. Gayunpaman, kung mahusay ka naman talaga at nakikitaan ng potensyal, magpatuloy lang dahil may kukuha’t kukuha sa iyo na koponan – pwede ka pa ngang mag-import sa ibang liga.

Hindi man makapaniwala o hindi pa masyadong naiisip ang mga mangyayari sa hinaharap, nananatiling determinado ngayon si Jeo Ambohot na makapagbigay ng kampeonato sa muli sa Letran bago siya tuluyang sumabak sa PBA suot-suot ang uniporme ng pinakabagong koponan na Converge.

At bago ang Game 2, kasama rin itong si Jeo Ambohot sa mga kikilanin at pararangalan bilang bahagi ng Mythical Five ng pangkasalukuyang season ng NCAA. At ang kapwa niya Letranistang si Rhenz Abando, masusungkit din ang Most Valuable Player at Rookie of Year Awards, sang-ayon sa mga patakaran ng liga. Minsan lang mangyaring ang rookie of the year ay MVP rin na ang huling nakagawa ay ang import pa ng Mapua na si Allwell Oraeme.

Para naman sa kasalukuyang injury update sa star player ng Letran Knights, nananatiling day-to-day ang kanyang katayuan. Pero sa ngayon, matindi marahil ang dasal nitong si Rhenz na makapag-recover siya nang buong-buo.

Sa paparating nilang laro, may pagkakataon na ang Letran na tapusin ang serye at tanghaling kampeon ngunit basta-basta na lang bang isusuko ito ng Mapua? At malaking tanong pa rin kung makapaglalaro ba si Rhenz Abando. Patuloy pa rin ang pagsusuri at pagbabantay kung bumubuti ba ang kanyang pakiramdam – kung ang paa ba nya ay gumagaling.

Ano kaya ang nasa isip ni Abando ngayon? Batid mo sa kanya na gustong-gusto nya maglaro at makapagbigay sa kanyang koponan ng kampeonato – dahil noong nakaraang championship nila ay wala pa siya rito.

At hindi na siya papayag maulit ang pait na kanyang sinapit noong siya ay isa pang growling tiger, ayaw na niyang maging runner-up lamang. Sa kanyang mga sariling salita, “ayoko nang maging bridesmaid ulit”. Kaya kung hindi naman sobrang malala ang injury at kaya pang ipagpag, sa malamang maglalaro itong itatanghal na NCAA Season MVP at Rookie of the Year.
__________________________________________________________________________________

Manood ng live!

Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!

This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.

Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!

This article was gathered automatically by our news bot. We help YouTubers by driving traffic to them for free. The featured image in this article is the thumbnail of the embedded video. Thank you for visiting Win Big Sports Network and wbsnsports.com. For more sports, news, and entertainment, follow us on Twitter @WBSNsports or like our page on Facebook.

#Sports #Video #Highlights